Bala para sa mister, sinalo ni misis, patay

HINARANG ng 34-anyos na ginang ang kanyang katawan upang hindi matamaan ng punglo ang kanyang mister sa naganap na pamamaril sa Janiuay, Iloilo.

Sa ulat, kinilala ang biktima na si Pearl Joy Lara, ng Brgy. Tularukan, nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Janiuay municipal police, dumalo sa okasyon ang biktima kasama ang kanyang asawa. Pero dala ng kalasingan ay may nakasagutan ang mister kung saan bigla na lamang bumunot ng baril ang suspek.

Pumagitna ang biktima dahilan upang ito ang tinamaan ng bala ng baril sa tiyan kanyang agad na ikinamatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply