Balikatan exercises kasado na sa Palawan

KASADO na ang Balikatan exercise na gaganapin sa Palawan.

Dumating na rin kahapon ang advance party ng mga sundalong Amerikano.

Sa panayam kay Major Niel Estrella, PIO ng Western Command, tinatayang darating pa ang karamihan sa mga sundalo bukas.

Sa inisyal na impormasyon, libong bilang ng mga sundalong Kano ang magsasagawa ng Balikatan Exercise sa Puerto Princesa at Palawan kung saan magtatayo ang mga ito ng school building, mga tulay at magbibigay din ng libreng medical at dental mission.

Magtatagal ang Balikatan Exercise ng mahigit isang buwan.

Bukod dito, nilinaw naman ni Lt. Gen. Juancho Sabban, Commander ng Wescom, na walang kinalaman ang Balikatan Exercise sa usapin ng Spratly’s Island.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply