Ban sa panghuhuli ng sardinas inalis na ng BFAR

OPISYAL nang inalis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang tatlong buwan na pagbabawal sa sardine fishing sa sardine conservation area sa tagusang mga karagatan ng East Sulu Sea, Basilan Strait at Sibuguey Bay, epektibo nitong Marso 2, ngayong taon.

Inanunsiyo ni BFAR director Atty. Asis G. Perez ang pagbubukas sa lugar ng pangisdaan ng commercial fishermen matapos ang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng iba’t ibang stakeholders ng lungsod kanina.

Batay sa isinagawang pag-aaral ng BFAR, isa sa bawat isang toneladang isda na nag-iiwan ng itlog, nadaragdagan aniya ito ng tatlong ulit sa biomass na inaasahang isda. Magkagayunman, hindi mararamdaman ang pagbabago hanggang sa loob ng 3 buwan sa lugar na pinagkukunan ng sardinas.

Malaki naman ang paniniwala dito ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat na may pag-asa pang makabawi ang bansa na tinaguriang sardines capital noon.

Ang Zamboanga region ay mayroong 454 commercial fishing vessels na nanghuhuli ng mga isda gaya ng sardinas, tuna at round scad.

Ang Sardinas na isda kasama ang herring, ay isa sa pangunahing species ng isda na nahuhuli sa karagatan ng Pilipinas kasunod ng tuna.

Ipinakikita sa Agriculture statistics ng  2010 , 26%  ng sardinas na isda ay kasama sa 1.24M metric ton na nahuhuli ng mga commercial fisheries at ang 11 percent ng 1.18M metric ton ay huli ng munisipalidad .

Noong isang taon ang kabuuang huli ay bumagsak sa 109T metric tons o 24 percent  mula sa 452T metric tons ng 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply