Bangkay napulot sa kyusi

ISANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary executive ang natagpuan sa Camachile service road, Quezon City,kaninang madaling-araw, Marso 1.

Nabatid na nakasilid pa sa isang itim na plastic bag, at balot ng alambre at masking tape ang bangkay ng biktima nang matagpuan pasado alas-12:01 ng madaling araw.

Tadtad ng saksak sa dibdib at may pasa sa leeg ang biktima dahil sa matinding pagkakasakal.

Natagpuan din ang isang sulat na nakaipit sa kanyang katawan na nagsasabing isa umano siyang holdaper.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na puno ng tattoo ang katawan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply