Bangkay ng ‘frat member’ natagpuan sa La Union

ISANG bangkay ng lalaki na hinihinalang kasapi ng fraternity ang natagpuan ng awtoridad na tadtad ng bala ng baril at nakatali ang mga kamay at paa sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Rabon, bayan ng Rosario, La Union.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na si Edno Facon, 20, miyembro ng Taugama Fraternity-Salcedo chapter, ng Brgy. San Vicente, Urdaneta City, Pangasinan dakong alas-8:30 kagabi na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Piniringan umano sa mata at saka tinalian ng hindi pa nakilalang suspek ng packing tape ang mga paa at kamay ng biktima.

Narekober din ng mga pulis mula sa pinangyarihan ng krimen ang anim na kapsula ng bala mula sa kalibre .45 na baril na pinaniniwalaang ginamit sa pagpaslang.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga responsable at ang motibo sa krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply