Bangkay ng bebot at kelot, natagpuan sa Rizal

NATAGPUAN ang dalawang bangkay ng babae at lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution sa Zigzag Road, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal kanina umaga, Marso 6.

Nabatid na inilarawan lamang ang mga biktima na walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga ito na may taas na 4’5 at nasa 20-anyos ang babaing natagpuang nakasuot ng dilaw na pang-itaas at maong na pantalon, samantalang may taas na 5’5 hanggang 5’7 at tinatayang nasa edad 30-anyos ang lalaking nakaposas ang mga kamay sa likod at nakasuot ng brown na pang-itaas, pantalon, at sandals.

Ayon sa pulisya, may posibilidad na sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at itinapon lang sa Barangay San Jose.

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi sa sa Antipolo Funeral Parlor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply