Bangkay ng driver natagpuan sa Pampanga

NATAGPUAN ang bangkay ng isang driver sa kanyang tinutulugang kwarto sa Barangay Anunas, Angeles City, Pampanga.

Nabatid na tadtad ng 10 saksak sa mukha, likuran at dibdib ang bangkay ni Salvador Cutiongo, 66, nang madiskubre ng ka-trabaho sa isang Korean restaurant.

Dahil dito, pinaghahanap naman sa kasalukuyan ng mga pulis ang isang stay-in worker sa restaurant, na nakilala sa pangalang “Rodel” na hindi na nakita, mula nang madiskubre ang krimen.

Sinabi ng asawa ni Cutiongco na matagal nang nakakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima sa pamamagitan ng mga text message.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply