Bangkay ng lolo umalingasaw

NATAGPUAN ang bangkay ng isang 70-anyos na lolo matapos umalingasaw ang masangsang na amoy mula sa bahay nito sa Novaliches, Quezon City kaninang umaga.

Ang biktima na hindi pa nakikilala ay nadiskubre ng kanyang mga kapitbahay matapos umalingasaw ang amoy nito mula sa loob ng sarili nitong bahay sa 051 Sta Isabel St.,Villareal, Barangay Gulod, Novaliches ng lungsod.

Ayon kay PO3 Arddie Lou Manlongat radio operator ng Quezon City Police District station 4 Novaliches, inireklamo ng ilang kapitbahay ang masamang amoy na nagmumula sa bahay ng biktima.

Nabatid na mag-isa lamang ang biktimang namumuhay kaya sinikap ng mga awtoridad na buksan ang pintuan ng bahay nito at dito na nadiskubre ang umaalingasaw na bangkay ng biktima.

Hinihinala ng pulisya na maaaring inatake ang biktima dahil wala naman sugat na natagpuan sa bangkay nito.

Ganun pa man isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid kung ano ang ikinamatay nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply