Bangkay ni Rep. Iggy nasa La Vista na

DINALA na sa ancestral home ng mga Arroyo sa La Vista sa Loyola Heights, lungsod ng Quezon , ang labi ni Negros Occidental Rep. Ignacio Iggy Arroyo, Jr. kaninang umaga.

Dumating ang labi ng kongresista mula sa London dakong alas-10:00 kagabi (Pebrero 29) sa NAIA, isang buwan matapos itong masawi sa atake sa puso sa nabanggit na lugar.

Mula sa paliparan ay,dinala muna sa Arlington Funeral Homes ang labi ng kongresista. Dakong alas-6:00 kaninang umaga ay inihatid na ito sa La Vista.

Sa Marso 3 at 4, dadalhin ang mga labi ng kongresista sa bahay ng asawa nito na si Aleli at sa Marso 5 ay dadalhin naman sa House of Representatives sa Batasan Complex. Mula Marso 5 hanggang 7 ay dadalhin naman sa Bacolod City ang labi nito at ibabalik sa Marso 8 sa Maynila at ihihimlay ang labi sa Marso 9 sa Manila North Cemetary. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply