Bangketahan sa QCPD-STN 6

MISYON AKSYON, nabasa ko po  ang inyong kolum patungkol sa isang policewoman na nakatalaga sa Station 3 ng Quezon City Police Department. Totoo po iyon. Katunayan po isa rin akong opisyal na naging saksi at  nakaranas ng kawalanghiyaan ng nasabing policewoman…katunayan po hindi lamang ako ang naging saksi kundi marami po kami.

Misyon Aksyon, maraming nahuhuli sa kasong drugs sa Stn  6 pero walang nakakasuhan.

Kung mayroon man, iyong hindi nagbigay ng parte…kaya tinutuluyan nila. Bigyan ko po kayo  ng isang kaso na kanilang ginoyo, sir. Iyong may-ari ng Lancer na ginagamit nila sa operation na  may deed of sale.

Iyong isa nga po na imbestigador na dating kinakasama niya, ngayon ay may anak na bigtime pusher. Kasi  kinakasama  na rin ang isang alyas Potpot, si  Joanne, na ang Commonwealth ang area niya ngunit hindi mahuli- huli. Kasi protektado ito dahil may parating sa mga kapulisan.

Ang isang masaklap po niyan, ang mga tauhan ni hepe na follow-up unit ay walang opisina…Mayroon po sa labas ng istasyon, iyong kubo. Kaya sa kubo na lamang sila nag-oopisina at nagpapahinga kapag may isasagawang operasyon. Kaya animo squatter ang kanilang mga bata.

Mabuti pa po ang chief ng  investigation ay may sariling opisina. Katunayan nga po may CR  pa ito. May tulugan na, kumpleto na lahat sa kanyang opisina. Nagulat nga po ang isa kong kaibigan nang minsang nagbanta ito na ka-pag pinakialaman umano ang dating jowa niya ay magkaka-ubusan sila ng lahi.

Alam po ba ninyo, Misyon Ak-syon, ang  Station  6 ng  QCPDC ang isa sa may pinakamalaking  nasasakupan na komunidad. Pero  kung susumahin mo, sila ang may pinakamaliit na accomplishment sa larangan ng pagpapatupad ng  batas, pero sa larangan ng “code tuhan” e sila ang may malaking porsiyento.

Sana mabigyan agad ito ng aksyon ni PNP Chief Nicanor  Bartolome at DILG Jesse Robredo.  Kasi kung ganito ang sistemang umiiral, ang Quezon City ay tiyak na ‘di lamang capital ng carnapping kundi capital ng drugs  at  pulis  na patong  sa mga iligal  na gawain.

Gumagalang
Concerned Citizen

Paging PNP Chief Nick  Bartolome at DILG Sec. Jesse  Robredo at  QCPDC Dir. Dela Vega, sir, pakiimbestigahan naman ang QCPDC Station 6. Nababahala po ang Misyon Aksyon sa ipinadalang reklamo na garapalan  po ang kanilang bangketahan ng drugs at ‘di raw po masusugpo ang  mga iligal na gawain kasi dalawa  lamang ang makikita…bulag o may   basbas ang kanilang hepe sa mga  ganyan gawain?

Aba, mga sir  magi-isip-isip  kayo… kawawa naman ang inyong mga tauhan  at higit sa lahat , ang   mga residente sa nasabing  lugar. at   kay   Station commander Montejo  sir.

Kaya  bukas  po ang aking koum para  sa inyo ng panig  at  kapaliwagan.

Sa susunod ibubunyag  po natin  ang tunay nilang   katauhan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.

Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223

EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa

mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig

ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply