Bank account ng ‘tax evaders’ kakalkalin na

NABUNYAG ngayon sa plenaryo ng Senado na nakipagkasundo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang mabulatlat ang bank account ng mga pinaghihinalaang tax evader sa bansa.

Ngunit hindi nagustuhan ng ilang senador ang pinasok na memorandum of agreement ng ALMC sa BIR kung kayat pinaiimbestigahan nila sa isang oversight committee ang kasunduang ito na pinirmahan nina Commissioner Kim Henares at AMLC Executive Director Vicente Aquino.

Sa isinagawang pagdinig sa Senate Bill No. 3009 hinggil sa amendment ng Anti-Money Laundering Act (AMLA), inungkat ni Sen. Joker Arroyo ang isang MOA na hindi binanggit ang petsa na maaaring labag sa batas.

Binasa ni Arroyo ang ilang kontrobersyal na probisyon ng MOA tulad ng “Whereas, the parties meaning BIR and AMLA have expressed their desire in the spirit of cooperation and mutual interest to facilitate the investigation and prosecution of persons involved in tax evasion under the RATE (Run After Tax Evaders) program and money laundering and unlawful activities under Section 31 of AMLA as amended,”

Binigyang-diin ni Arroyo na hindi kasama sa trabaho ng AMLC na habulin ang mga tax evader sa bansa kaya dapat amang na busisiin ng Senado ang kasunduang ito.

“It’s stated now what AMLA can do on behalf of the BIR, the premises are that the Bureau of Internal Revenue to collect taxes and to audit and conduct investigations. Now, our AMLA law does not say that tax evasion or tax…whatever is a predicate crime. I think we have to go over these,”giit ni Arroyo.

Ani Guingona, iimbitahan nila ang lahat ng partido sa naturang memorandum of agreement upang magpaliwanag sa Senado.

Nabigo naman ang Senado na ipasa sa kanilang huling araw ng sesyon ngayon, ang panukalang batas  para maamiyendahan ang AMLA na siyang hinihingi ng Financial Action Task Force (FATF) upang hindi ma-blacklist ang Pilipinas.

Nabitin ang pagpapatibay ng Senate Bill No. 3009 matapos kuwestiyunin nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Joker Arroyo ang memorandum of agreement na pinasok ng AMLC sa BIR.

Kamakailan lamang ay sumulat si Executive Secretary Paquito Ochoa kay Enrile kung saan hinihiling ng Malakanyang ang agarang pagpapatibay ng amendments sa AMLA at ang Terrorist Financing Suppression Bill.

“According to the AMLC, being downgraded to the ‘dark grey list’ now means that the Philippines has been given until May 2012 or before the next FATF Plenary in June 2012 to enact said two bill, otherwise our country will be blacklisted,” paliwanag sa liham ni Ochoa.

Umaasa naman si Guingona na maipapasa nila ang mga panukalang ito sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Mayo 8.

“Aabot pa yan, end of May pa naman,” pagtitiyak ni Guingona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply