Bantay Expressway ipatutupad ng TRB ngayong Semana Santa

IPATUTUPAD ng Toll Regulatory Board (TRB) ang Bantay Expressway para sa North at South Luzon Expressway bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga motorista ngayong Semana Santa.

Ayon kay TRB director Edmund Reyes Jr. prayoridad ng ahensya at ng mga expressway ang seguridad ng mga motorista kaya mahigpit na ipatutupad ang traffic rules.

Babantayan ng ahensya ang tamang bilis ng mga sasakyan sa Expressway na hanggang 100 kilometro kada oras lamang para sa ng light vehicles at hanggang 80 kilometro kada oras naman ang pwedeng bilis ng mga bus.

Maaaring pagmultahin ng hindi bababa sa P500 ang mga lalabag at maaari ring padaluhin ang mga ito sa seminar at kapag patuloy sa paglabag ay mahaharap ito sa kalahating taong suspensyon ng lisensya.

Siniguro naman ni Reyes na walang magiging pagtaas ng singil sa toll ngayong Semana Santa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply