Bar passers hinamon sa pagbabago

HINAMON ng isang senador ang 2012 bar passers na maging instrumento ng pagbabago at kaunlaran ng bansa at mamamayan sa pamamagitan ng paggamit ng tamang pamamaraan sa kanilang propesyon bilang abogado.

“Una, taus-puso akong bumabati sa inyo. Sa inyong pagpasa sa bar examination, hindi nangangahulugan na tumigil na kayo bilang estudyante ng batas. Ipagpatuloy ninyo ang inyong landas at pagmamahal sa batas na aking ginagawa,” ayon kay Sen. Francis Escudero.

Idinagdag pa ni Escudero na dapat hindi tumitigil ang paghahanap ng karunungan ng bawat estudyante dahil marami pang dapat matutunan ang sinuman at makahagilap ng bagong aplikasyon.

“I assure you that you will never run out of new things to learn and new applications of what you have learned. I hope you will do this not only for your personal advancement and hunger for knowledge but for the betterment of our country and people,” giit ni Escudero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply