Barangay sa Pasay pinasabugan ng 2 granada

TAKOT ang naramdaman ng mga residente ng isang barangay sa Pasay City nang gulantangin sila ng dalawang malakas na pagsabog na galing sa inihagis na dalawang granada ng hindi nakikilalang mga suspek kaninang madaling-araw.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpapasabog ng granada ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo, alas-4 ng madaling-araw Protacio St., naturang lungsod.

Bagama’t wala namang iniulat na nasaktan sa insidente, apat na nakaparadang sasakyan naman, kabilang ang dalawang motorsiklo ang nagkabutas-butas matapos mahagip ng shrapnel.

Pinagdugtong-dugtong na ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division ng Pasay Police ang mga nakuhang bahagi ng inihagis na granada upang alamin kung anong uri at saan gawa ang naturang pampasabog.

Sinisiyasat din ng mga tauhan ni Pasay police chief Sr. Supt. Melchor Reyes ang ilang natanggap na impormasyon na posibleng may kaugnayan sa onsehan sa droga ang naturang insidente dahil kilala umano ang naturang lugar na pinagkukutaan ng ilang sangkot sa pagbebenta ng shabu.

Hinala rin ng pulisya na isang uri ng pananakot o pagbabanta ang paghahagis ng granada sa naturang lugar bagamat hindi pa mabatid kung sino o anong grupo ang target.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply