Barbosa, Paragua nagparamdam sa La Union Open Rapid Chess Championship

NAGPARAMDAM agad ng lakas sina Grandmasters Oliver Barbosa at Mark Paragua matapos magtala ng impresibong panalo sa opening round ng 7th La Union Open Rapid Chess Championship sa Ortega Gym sa San Fernando City, La Union kahapon (Lunes, Marso 12).

Giniba ng No.1 seed na si Barbosa mula Taytay, Rizal si No.26 Johnny Corrales ng Cebu habang angat naman ang No. 3 seed na si Paragua na mula sa Meycauyan-Marilao, Bulacan kay No.29 Ben Polao ng Iligan City.

Nagpakitang gilas din si No.2 GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Calapan, Oriental Mindoro matapos manalo ng default kontra kay No.27 Johnny Torralba ng Tagbilaran, Bohol.

Winasiwas naman ni No. 4 GM Darwin Laylo ng Marikina City si No.30 Michael Manago ng San Fernando City, La Union habang nakaungos naman si No.5 IM Rolando Nolte ng Quezon City kontra kay No.32 Samantha Glo Revita ng Rosales, Pangasinan.

Ang iba pang renowned players na nagwagi sa first round ay sina No.6 GM Richard Bitoon ng Medellin, Cebu, No.7 IM Oliver Dimakiling ng Davao City, No.8 IM Ronald Dableo ng Manila, No.9 IM Yves Ranola ng Caloocan City, No.10 IM Emmanuel Senador ng Iloilo, No.11 IM Chito Garma ng Manila, No.12 FM Adrian Pacis ng Mandaluyong City, No.13 FM Daniel Causo ng Manila,No.15 Efren Arguelles ng Tanauan City, Batangas at No.16 NM Edmundo Gatus ng Manila.

Nakapuwersa naman ng tabla si No.28 Esmail Abas ng Zamboanga kontra kay No. 14 NM Ali Branzuela ng Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply