Baril, bomba nasamsam sa bahay ng ex-army

ILANG baril at mga bomba ang nasamsam sa bahay ng isang dating sundalo nang pasukin ng Regional Special Operations Group (RSOG) sa Barangay Talayatay, Igbaras, Iloilo.

Nakuha sa pag-iingat ni dating Philippine Army 15th Infantry Battalion soldier Eduardo Parcon ang isang improvised M-79 grenade launcher, dalawang 12 gauge shotgun, at isang caliber 9mm.

Nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya sa bahay ng suspek nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa walang habas niyang pagpapaputok na nagdudulot ng takot sa kanyang mga kapitbahay.

Dahil dito, inaresto ng pulisya si Parcon at sinalakay ang kanyang bahay.

Inamin naman ni Parcon na kanya ang mga baril at pampasabog.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply