Barker tinarakan sa dibdib, dedo

TUMIMBUWANG ang isang barker ng dyip makaraang saksakin sa dibdib ng nakatalong vendor habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Quezon City kaninang madaling araw Marso 24.

Kinilala ni chief inspector Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Arnel Camarines, 44, binata, ng 24 Maya Street, San Francisco del Monte, QC.

Idineklarang dead on arrival si Camarines sa Quezon City General Hospital dahil sa isang tama ng saksak sa kanang dibdib.

Tumakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Saldy, 38, vendor at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Ayon sa ulat ni PO3 Rommel Mayo ng QCPD-CIDU naganap ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw kanina sa kahabaan ng Dangay St., corner Roosevelt Avenue, QC.

Sinabi ng witness na si Milanio Morales na naglalakad ang biktima at suspek sa naturang lugar pauwi sa kanilang bahay nang biglang magtalo ang dalawa habang nag-uusap sa hindi pa mabatid na kadahilanan.

Makalipas ang ilang minutong pagtatalo nagsuntukan umano ang dalawa dahilan para bumunot ng patalim ang suspek saka inundayan ng saksak ang biktima.

Isinugod ang biktima sa naturang pagamutan subalit hindi na ito umabot pa ng buhay dahil sa tinamong tama ng saksak sa katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply