Barkong pandigma ng US dumaong sa Maynila

DUMATING na ngayong umaga sa South Harbor ang isang barkong pandigma ng Estados Unidos para sa apat na araw na goodwill visit sa Pilipinas, ayon sa embahada ng Amerika sa Maynila.

Lulan ng USS Blue Ridge ang may kabuuang 52 opisyal at 790 kasapi ng US Navy kasama ang command staff na may 268 na opisyal at 1,173 kasapi ng hukbong Amerikano.

Ayon sa embahada, ang pagbisita ng US carrier ay magsisilbing diin sa matibay na relasyon ng Pilipinas at Ustados Unidos.

Nakatakda rin magtanghal sa iba’t ibang shopping mall sa Metro Manila ang US Navy Seventh Fleet Band bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

Ang USS Blue Ridge ang command ship ng US Seventh Fleet, at nakahimpil sa Yokosuka, Japan.
Naglalaman ito ng dalawang Sikorsky Seahawk Helicopter, anti-ship missile, cannon, walong 50 caliber na machine gun, at short-range mortar.

Bago sa Pilipinas, nanggaling ang naturang barko sa Hong Kong kung saan nagsagawa rin ang mga US Navy ng iba’t ibang aktibidad na makatutulong sa relasyon ng dalawang bansa.

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na darami ang presensiya ng tropang Amerikano sa Pilipinas subalit hindi ito nangangahulugan na muling magtatayo ang US ng base militar sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply