Bata kinukunan ng organ at kotong sa LTO-Laguna

BIGYAN naman po natin ng espasyo sa araw na ito ang ating mga mambabasa at basahin ang kanilang mga sumbong, karanasan, kaisipan at paninindigan.

Heto po sila!

BATA KINUKUNAN NG LAMAN-LOOB

Panawagan po sa mga kinauukulan. Kasi po, rito sa Antipolo, may nangunguha ng bata at ibinabalik makalipas ang ilang araw na may dalang pera ngunit bawas na ang mga organ ng mga bata. Thanks po. +63946813….

NAKAWAN SA MARKET-MARKET

Sir, nais ko lang ipaalam sa lahat, lalong-lalo na sa mga kinauukulan at mga pulis. Talamak pa rin ang nakawan dito sa ilalim ng tulay sa pagitan ng Staff House at Market-Market sa Taguig City.

Nagtataka lang kami kung bakit pinalaya ang notorious na magnanakaw at holdaper dito sa Staff House na si Junie Zulueta.

Nitong Pebrero 22, dahil matrapik sa tanghali sa C5, nakapagnakaw na naman si Zulueta, kasama nina Lolong, Joker at tatlo pang kasama nila. Mga 8 balde ng pintura, 3 jack, 5 case ng softdrinks ang ninakaw nila.

Sana, ma-salvage na sila dahil mga salot sila. +63919551….

PROBLEMA SA 2 SEC. AGENCIES

Sir Benny, hihingi sana ako ng tulong para rito sa Iloilo City. Sana mabigyan ng aksyon ang security agency rito. Hindi sumusunod sa labor code. Umabot nga sa 12 hours yung duty pero two hundred pesos pa rin ang sahod. Walang overtime. Sana mabigyan ito ng aksyon. Aasahan po namin. +63930588….

Gud evening po, Sir Benny Antiporda. Sana po matulungan ninyo ang mga security guard dito po sa Pandacan na under ng Lockheed security Agency. Kasi po, hanggang ngayon, wala pa silang backpay. Thanks and more power. +63946896….

KOTONG: SOBRE AT PAGKAIN

Walang silbi ang Land Transportation Office rito sa Sta. Rosa, Laguna. Laging tinitingnan yung mga jeep at traysikel na may ligal na ope-rasyon. Pero yung mga OUT OF LINE na bus ay dumaraan lang sa harapan nila. Hindi nila nakikita ang mga ito at pag hinuhuli man sila, pakakainin lang ang mga LTO sa Jollibee tapos bibigyan ng sobre, wla na, umaalis na sila. +63910664….

P5 TERMINAL FEE SA QUEZON CITY

Sir, grabe na po ang ginagawa ni Mayor Bistek. Para magkapera lang, eh, pati kaming mga jeepney driver hinihingan ng P5 araw-araw para umano sa pagteterminal namin. Eh dati naman kaming may terminal. Ang taga-kotong po niya ay mga taga-DPOS.  Sobra na. Tulungan po ninyo kami na ipa-OMBUDSMAN si Mayor Bistek. +63929435….

DROGA SA TAGUIG CITY

Sir, gud am. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na tuloy-tuloy pa rin po ang negosyo ni Charlie ‘Pugak ‘ at Butchoy. Kasama si ANN sa pagtutulak ng shabu rito sa amin sa SIGNAL VILLAGE, Zone 6, Taguig City. Kahit madaling araw po, iba’t ibang tao ang pumapasok dito sa compound namin. Sana po ma-raid na po ito. Tulong naman po. God bless po sa kolum nyo! Thank you. +63933263….

CORONA MAG-RESIGN NA LANG

Ano kaya ang mas mabuting gawin ni CJ Corona? Pag nag-resign siya, sasabihin ng tao na guilty siya kaya nag-resign. Pag napatunayan naman sa impeachment na guilty siya, nakahihiya ang kahihinatnan niya. Pero sa mga lumalabas na ebidensya mula  sa article 2, guilty siya. Mas makabubuting mag-resign na lang si CJ Corona baka sakaling makalimutan pa ng tao ang mga kasalanan niya.

Gaya ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, unti-unti na siyang nakalilimutan ng sambayanang Filipino. +63918596….

HUWAG ISALBA SI CORONA

Please, don’t save Chief Justice Corona from his offense or wrongdoing in the government. To those who don’t know Renato Corona, he is very corrupt and greedy for power and wealth. Hence he as nothing in the government where he work as a chief justice. +63912774….

MAGPAKATOTOO NAMAN SILA

Kung ang 188 na congressmen ay matitino, sana i-reveal na lang nila, especially sina Congressmen Banal at Umali kung paano nila nakuha ang kopya ng mga bank account. Para mapabilib nila ang taumbayan na siyang may pera sa ginagastos sa impeachment, magpakatotoo naman sila. +63918344….

1 TAONG ID SA SSS

Magtatanong lang po, bakit inaabot ng isang taon bago ma-release ang ID ng SSS? Akala po namin bagong administrasyon, mabilis na serbisyo nila? +63947186….

4P’S BINABABOY SA CAM SUR

Gandang araw po, Sir Benny. Akala ko po, yung 4 P’s na programa ng gobyerno ay para sa mga naghihikahos na pamilya, bakit po rito sa amin?

Kung sino pa ang medyo ‘di naman kapos sila pa ang nabibigyan samantalang maraming mahihirap rito sa lugar namin sa Camarines Sur.

Kasi ang kapitbahay ko, nagpapatayo ng 2-storey na bahay ngunit isa siya sa mga nabigyan ng nasabing benepisyo. Maraming salamat po. +63946879….

INSURANCE SA PAMPANGA

Ang daming dahilan ng isang insurance agency rito sa Angeles, Pampanga para hindi umaksyon sa patrabaho sa kanila. Mabuti pa yung pagong lumalakad, yung sa kanila hindi na!

Last Sept. 23 nang iparehistro yung truck namin, pero until now wala pa sa amin yung rehistro. Paging Nikki David, hanggang kailan mo kami lolokohin at pagtataguan! Nagtatanong lang po! +63932764….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply