Bawal ang sigarilyo!

MAY TAGAHAWAK NG ASH TRAY SA TANGGAPAN NI COMMISSIONER RAFFY BIAZON, ISANG ALAALANG HINDI NAMIN MALILIMUTAN.

Nasa meeting daw si Commissioner Biazon kaya ang kanyang Chief of Staff Atty. Jet De Los Santos ang pinaharap sa amin tungkol sa isang problema ng importer.

Ako’y nagulat at hindi ko inaasahan na maninigarilyo si Atty Jet De Los Angeles sa harapan namin. Nagsindi sya ng isang “Black Thin Stick” cigarette at habang nag-uusap kami, pinipitik n’ya ang kanyang mga daliri sa ash tray na nakapatong sa palad ng kasamahan n’ya sa opisina.

Ngayon lang ako nakakita ng ganoon sa tanggapan ng gobyerno. Sinasahuran para maging taga-hawak ng ash tray na nasa palad ng kanyang kamay. Alerto sya sa bawat pitik ng daliri at sasaluhin n’ya ang ubos ng sigarilyo ni Atty Delos Santos. Yan ba ang “Matuwid na Daan”?

TANGGAPPAN NG GOBYERNO BAWAL MANIGARILYO!

Upang maprotektahan ang kalusugan ng mga kawani at publiko na bumibisita sa mga tangapan ng gobyerno, inilabas ng Civil Service Commission ang Memorandum No. 17, s. 2009 na nagsasaad na:

BAWAL MANIGARILYO sa mga pampublikong tanggapan na nagbibigay ng serbisyong kalusugan, edukasyon, kagalingang panlipunan at pagpapaunlad (social welfare and development), tulad ng ospital, health centers, daycare centers, public playgrounds, paaralan, kolehiyo at unibersidad at mga lugar na pinupuntahan ng mga kabataan.

Sa ibang mga tanggapan ng gobyerno, maaari lang manigarilyo sa itinalagang SMOKING AREAS na:

• Nasa labas ng gusali at dapat ay walang permanente o pansamantalang bubong o pader;
• 10 metro 0 33 feet ang layo sa mga pasukan, labasan o pinagpupulungan ng publiko;
• Hindi lalampas sa 10 metro kuwadrado (square meters) ang laki;
• Limitado sa isang smoking area lamang sa isang gusali;
• Hindi naghahanda ng pagkain o inumin; at
• Mayroong nakalagay na karatulang “Smoking Area”.
• Ang mga kawani ng gobyerno na lalabag sa kautusang ito ay may kaukulang disciplinary action.

Ang publiko ay hinihikayat na sumunod sa kautusang ito kapag bumibisita sa mga tanggapan ng gobyerno. Hinihikayat din silang mag-report ng anumang makikita paglabag ng mga kawani sa kinauukulan ng tanggapang pinuntahan o sa Civilice Service Commission.

HINDI MABUTI SA KALUSUGAN ANG DESIGNATED SMOKING AREA

Hindi pa rin makakabuti sa kalusugan ang pagtatalaga ng Designated Smoking Area sa loob ng isang gusali kahit pa ito ay pinapahintulatan ng Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003).

Ayon sa pag-aaral ng Department of Health, ang pagpunta sa mga lugar na pinapahintulutan ang paninigarilyo sa loob ng gusali – tulad ng restaurants, hotels, bars at iba pang entertainment venues, kahit pa nga may designated smoking area ang mga ito. Ito’y nagreresulta sa paglanghap ng mataas PM2.5 level, na anim na beses ang taas kaysa sa recommend daily acceptable level na iminumungkahi ng World Health Organization.

Ang PM2.5 ay ang malaabo na Particulate Matter na may sukat na sobrang liit na 2,5 micrometers in diameter. Kapag nalanghap mo ito ay pupunta at naiipon ito sa kasuluk-sulukang bahagi ng baga at maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, mga sakit sa puso at baga, at kanser.

Pumili ng mga lugar na mapagliliban na hindi pinapayagan ang paninigarilyo sa loob ng gusali. Magpasalamat sa mga tauhan doon sa kanila sa pagiging smokefree.

Kung makakapunta sa lugar na may Designated Smoking Areas, ipahiwatig sa may-ari o mga tauhan na hindi makabubuti sa kalusugan ang kanilang pagpapahintulot na may manigarilyo sa loob ng gusali.

Hikayatin ang local na pamahalaan na maglabas ng polisya o ordinansya na polisiya o ordinansya na mag-aalis ng Designated Smoking Area sa loob ng mga gusali upang ito ay maging 100% Smokefree.

Sa mga gusaling na pinapayagan ang paninigarilyo sa loob, hindi kayang alisin ng mga air cleaning o ventilation devices ang lason ng usok ng sigarilyo. Kinakailangan ng hangin na sinlakas ng Signal No. 4 na bagyo upang mawala ang lason sa loob ng gusali.

-000-

Ugaliing makinig sa programang nakaka-Touch ng Puso, ang “HEALTH & TRAVEL @ SERBISYO PUBLIKO with DR. HILDA ONG” sa DWBL 1242kHz, AM Band/dwbl-am.mellow947.fm, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00AM-10:00AM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply