Bawas-pasahe sa bus sa N. Mindanao aprub na sa LTFRB

INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na bawasan ng isang kumpanya ng bus na bawasan ang kanilang pasahe sa Northern Mindanao.

Itoy matapos maghain ng kanilang petisyon sa LTFRB ang Rural Transit Incorporated na may biyaheng Cagayan de Oro at Iligan City.

Dahil dito, ang dating singil na P145 na pamasahe sa aircon units ay ibinaba sa P85 habang sa ordinary bus ay ibinaba sa halagang P70, na dating P120.

Matatandaang noong Pebrero 16, naghain ng petisyon para sa fare reduction ang Rural Transit Inc. bilang tulong na rin sa mga kababayan nilang nasalanta ng bagyong Sendong.

Taliwas naman ito sa Kamaynilaan, kung saan dagdag-pasahe naman ang ihinihirit sa LTFRB ng iba’t ibang transport groups.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply