Bayad na nga’t lahat-hahat: Manang Cristy Fermin isinusuka pa rin ng advertisers

NAPAKA-ISTRIKTO palang talaga ng mga advertising agency na kumukuha ng mga celebrity endorser para sa kanilang mga kliyente. Ganito rin ang ruling ng mga ahensiyang naglalagay ng ads sa iba’t ibang TV networks. Dapat malinis ang imahe ng mga hosts ng programa kung saan sila maglalagay ng ads ng mga produktong hawak nila.

Sa kaso ni Manang Cristy Fermin, kahit pala matagal nang bayad sa kanyang mga pinagkakautangan ang oslang TV host, partikular na sa mga loan sharks na nagsampa sa kanya noon ng estafa case, hindi pa rin pala mabura-bura sa isipan ng mga ad men ang image ni Kabsat Cristy Utangera! Walang paki ang mga ito kung niloko man ng ibang tao ang orocang entertainment columnist. Para sa kanila ay negatibo na ang dating nito sa publiko kaya ayaw nilang suportahan ito dahil baka malugi lang ang mga kompanyang hawak nila ang account.

Now it can be told na talagang kahit na ano pang gawin ni Chakitang Percita Intalan sa favorite host na si Manang Cristy, hindi na uubra ito sa mga advertiser. Kaya lahat ng shows nito sa TV5 ay nilalangaw.

Isa pang hindi maganda ang image ay si Dolly Ann Carvajal kaya tigbakers talaga ang kanilang Chakarazzi. Ay! Paparazzi pala. Mabuti na lang at nandiyan sina Zoren Legaspi na papable at papaliciuos at dating Ms. World 2nd Princess na si Ruffa Guttierez. Kung wala ang dalawa, baka pinaglalamayan na ang show na ito.

‘Yung Juiceless, we heard na ayaw ng pagbigyan ng management na ilipat sa morning time slot dahil baka raw kasi maging da omen na naman ang Face to Face ni Tiyang Amy Perez kapag si Manang Cristy at Shalaletch ang maging pre-programming niya. Mabuti nga at nakawala na si Tiyang Amy sa kamalasan. Kaya Ferminata, Shalaletch at Percita, tigilan nyo na siya no? Loud and clear gyud!

***

Grace Ibuna hindi ‘kabit’ ng namayapang si Rep. Iggy Arroyo

ANO nga ba ang definition ng kabit? Say pa ni Grace Ibuna sa exclusive interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa segment ng King of Talk na Big Truth last sunday sa The Buzz, ang mistress, saang dictionary ka man magbasa sa Webster man, Oxford etc., ang meaning nito babaing itinatago ng lalaki dahil nagsasama pa ang guy at ang kanyang orig na misis sa iisang bubong. Sa kaso nila ng namayapang live-in partner na si Rep. Iggy Arroyo, hindi siya itinatago nito kundi ipinapakilala pa sa mga kaanak at kaibigan.

Idinagdag pa ni Grace sa naturang interbiyu na matagal nang hiwalay sina Iggy at Aleli Arroyo. Ito pa nga raw ang nag-announce noon na hiwalay na sila ni Iggy at siya pa mismo ang nag-file ng annulment laban sa dating mister na kongresista at negosyante.

Tapos ngayong patay na si Iggy hinahabol niya ang bangkay nito? ‘Yan lang ba talaga ang kanyang habol? Kasi may naririnig kaming kuwento na lahat daw ng kayamanan ng babaing ito ay naibigay niya noon sa nasabing pulitiko at gusto niya itong mabawi ngayon. True ba ito o false? Basta bilib kami kay Grace dahil napaka-edukada nito during her interview with our good friend globally famous TV host/Philanthropist Kuya Boy. Kahanga-hanga gyud!

***

Gardo at Maila nagkabalikan sa ‘Valiente’

EXCITING panoorin ang mga episode this week sa Valiente lalo na’t nakipagbalikan na si Maila (Nadine Samonte) sa nakatampuhang nobyong si Gardo (JC de Vera) at muling nag-alab ang init ng pagmamahal ng dalawa. Nangako naman si Gardo na pananagutan niya si Maila at nakahanda siyang humarap sa pamilya Braganza na matagal nang tutol sa kanya.

Niyaya na rin ng binata ang kasintahan na magsama na sila at mamuhay sa ibang lugar pero matinik itong kapatid ni Maila na si Leona (Niña Jose). Nang makita nitong ipapapatay ng Mama na si Donya Trining (Jacklyn Jose) si Gardo, pinigilan sila ni Leona at ipinagsigawan nito na si Gardo ang ama ng batang kanyang ipinagbubuntis na hindi naman totoo. Labis itong ikinabigla ng kanyang mama at mga kapatid na sina Theo (Oyo Sotto) at Maila na kasama ni Gardo nang mga oras na ‘yun. Pakinggan kaya si Leona sa kanyang pakiusap na huwag patayin ang lalaking minamahal (Gardo) o tutuluyan na ito ng kanyang mama at mga tauhan? Samantala, hanga si Direk Joel Lamangan sa galing ng kanyang mga artista sa Valiente. Sina JC at Nadine very professional sa kanilang mga kissing scenes at sumusunod talaga ang lahat sa instructions ng kanilang director. Mapanonood sila gabi-gabi sa Valiente pagkatapos ng Nandito Ako sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply