BB Gandanghari mamaya sa Paparazzi!

MATUTUNGHAYAN ang eksklusibong interview kay BB Gandanghari also known as Rustom Padilla mamaya sa Paparazzi sa TV5.

Nauna nang napaulat na si Zoren Legaspi, asawa ngayon ng dati niyang love na si Carmina Villaroel, ang magsasagawa ng interview.

Ngunit ngayon, may balitang si Mariel Rodriguez, ang asawa ng kanyang utol na si Robin Padilla, ang nakatakdang mag-interview sa kanya.

Medyo matagal ding nawala sa bansa at showbiz landia si BB. Huli siyang nakita pagkatapos ng PPB Celebrity Edition, kung saan siya nag-out!

May balita rin ngayon na inoperan si BB ng isang programa sa nasabing istasyon kaya mega uwi siya rito sa Pinas mula sa US of A.

Anu-ano kaya ang mga bagong pasabog niya?

Abangan ang exclusive interview kay BB sa Paparazzi mamayang ala-una-kinse ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply