BB Gandanghari tigbak sa nabulok na ari

SA radio program namin (Nakapag-on board kami dahil nagpahinga pansamantala ang impeachment trial for Chief Justice Renato Corona) nina Peter Ledesma at Pete Ampoloquio, Jr. na Star na Star sa DWIZ 882khz, 2:00-3:00 p.m. ay may natanggap kaming text messages galing sa isa naming tagapakinig saying na si BB Gandanghari diumano ay patay na.

Binawian daw siya ng buhay sa Thailand. Ang sanhi raw ng kamatayan ni Rustom Padilla ay ang pagkabulok ng ari dahil sa operasyon. Nagpa-sex-changed raw kasi ang aktor na naging aktres at dahil sa infection.

Siniguro ng texter na totoo ang nasabing balita, pero hindi kami naniwala. Kaylan lang ay nag-demand pa ang kampo niya ng one million talent fee sa interview na gagawin daw sa kanya ni Carmina Villaroel sa programa nito sa ABS CBN.

True enough ang aming pag-disagree sa tsikang iyon dahil last Friday, March 9 ay dumating ng bansa si BB at nagkaroon ng welcome party para sa kanya na ginanap sa bahay ni Robin Padilla at dinaluhan ng buong pamilya. Masayang-masaya raw si Binoe sa kalandian, este, sa pagdating ng kapatid.

Anyway, malalaman din natin ang katotohanan sa balitang ito kapag nagpa-interview na siya sa media. Kailangan sagutin niya ang mga katanungan ito: Totoo ba na siya ay nagpalit na ng sex organ na ang sabi nya before sa New York daw niya ipagagawa, iyon pala’y sa Thailand umano nangyari dahil mas mura raw doon. Siya ba’y may boyfriend ng foreigner o asawa kaya? True rin ba ang tsismis na meron daw siyang delikadong sakit na puede niyang ikatigok?

Well, wait lang natin ang kanyang reply (Parang ka-text lang. Hahaha!) , I mean, ang kanyang sagot. Hehehe?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply