Bea Binene ‘di na shopaholic nang magkaroon ng sariling foundation

TAHIMIK ang love life ni Bea Binene pati na rin ang hilig niya sa pagsi-shopping. Tapos na raw ang period sa buhay niya na isa siyang shopaholics. Hilig niyang magkolekta nang kung anu-anong pares-pares na gamit.

Sa lovelife, talagang huwag muna dahil 14 years old lang siya.

Bukod pa rito, hindi na nagagawa ni Bea ang pagpunta-punta sa mall. Super busy ang kanyang schedule ngayon dahil bukod sa soap na Alice Bungisngis at Tween Hearts, may movie pa siyang ginawa, ang My Kontrabida Girl. Bale second lead ang roles nila ng partner niyang si Jake Vargas sa movie.

Ayon kay Bea, malaki ang influence sa kanyang pagbabago sa pagkahilig sa shopping buhat nang magkaroon siya ng sariling foundation, ang Bea Binene Cares. Naisip niyang bakit siya gagastos sa luho lamang ng katawan? Mas maraming tao na karapat-dapat na tulungan dahil sa kanilang kahirapan, ang mga kabataan, in particular, dahil sila ang future ng ating bansa.

Madalas, sariling budget sa bulsa ang ginagamit ni Bea sa mga project ng Bea Binene Cares. Naglaan siya ng budget mula sa kita niya sa showbiz para sa mga project ng foundation.

000

APEKTADO nang husto ang pagkatao ni Rhian Ramos sa issue na ikinalat nang husto sa kanya ni DJ Mo Twister kaya ginawa niyang theraphy para makalimot sa bangungot ng issue ay ang pagtatrabaho.

Buong pusong tinanggap ni Rhian ang first title role movie niyang My Kontrabida Girl opposite hunk actor Aljur Abrenica na first time lang niyang makakasama sa movie. Di rin sila nagkatambal sa anumang soap opera noon.

Ang nagkuwento hinggil sa kalagayan ni Rhian sa set ng My Kontrabida Girl ay ang director ng movie na si Jade Castro. Ito ang director rin ng highly successful movie last year na Zombadings.

Hanggang ngayon ay pinag-uu- sapan ang nasabing pelikula dahil sa mga nakatutuwang eksena sa nagbabading na role ni Martin Escudero na rating GMA7 star at produkto ng StarStruck na ngayo’y lumipat na sa TV5.

Ginawang actor ni Direk Jade si Martin rito at ang karelasyon “kuno” nitong si Kirby Zamora na recently ay nag -ka-award ng best supporting actor.

Ani Direk Jade: “Mahirap kay Rhian nung panahong nagsu-shoot kami ng My Kontrabida Girl dahil bagung-bago pa ang isyu. Nakikita ko siya na kapag walang take ay natitigilan at malalim ang iniisip.

“Pero believe ako sa kanya dahil napaghihiwalay niya ang problema at ang trabaho. Kapag take na ay okay na okay siya. Palagay ko, ang pagiging mataray ng role niya  ay nakatulong sa pagkalimot niya sa problema.

“Tungkol sa kanila ni Aljur, noon lang simula sila medyo nagkakailangan. Di pa raw kasi sila nagpa-partner. Pero madaling nakapag-adjust ang dalawa. Kaya hayun, very smooth at wala akong problema sa stars ko at sa GMA Films habang ginagawa ko ang movie. Palagay ko magugustuhan ng fans at moviegoers ang movie tulad nang pagkagusto nila sa Zombadings. Iba talaga ang treatment ng mga eksena rito na talagang matatawa ang mga manonood.”

000

BONGGA ang naging opening ng Formula 690 entertainment bar last Feb. 28 na dinaluhan ng lahat nang mahihilig sa real men at real entertainment. Aba, dumating din sa nagbukas na club ang mga sikat na celebrities mula sa entertainment at fashion world. Kabilang dito ang dating Miss Earth na si Karla Henry and Mutya ng Pilipinas Tin-Tin Caballero at ang mga hot and gorgeous F 690 models at nag-perform din ang F690’s talented artist.

Sabi ng president and owner ng club na si Wilbert Tolentino, itinayo niya ang Formula 690 bar para i-redefine ang entertainment gay bars at ialis ang stigma na ito’y nagki-cater lang ng flesh.

Si Wilbert din ang owner at president ng isa pang sikat na joint, ang Fahrenheit Bar and Health Center sa  E. Rodriguez Ave. QC. Ang Formula 690 bar ay matatagpuan sa panulukan ng Mother Ignacia St. at Chino Roces Ave, QC, kahilera ng Moomba.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply