Bea Binene iniiyakan pa rin ang amang ‘di nakikita kapag pinag-uusapan

MULING lumuha si Bea Binene nang banggitin namin sa kanya sa big presscon ng GMA para sa success ng afternoon soap opera ng network na rumaratsada sa ratings game sa lahat ng timeslot. Kasama si Bea sa Alice Bungisngis kung saan siya ang title role.

Ani Bea: “Mahal ko kasi ang papa ko kaya banggitin lang ang pangalan niya’y naluluha na ako. Matagal ko na siyang di nakikita. Kaya ganoon na lang ako kasintimyento kapag napag-uusapan siya.”

So far, pinupuno na lang ni Bea ang kanyang schedule sa buong isang linggo para kung anuman ang bumabagabag sa isip at puso niya ay kanyang makalilimutan tulad na lang ng pangungulila sa kanyang ama.

Busy si Bea sa Alice Bungisngis tuwing Monday, Wednesday at Friday. Isisingit niya ang programang Good News ng GMA News TV at Party Pilipinas na halos kumakain ng tatlong araw sa schedule niya.

Oh, yes! ang buong isang linggo ay may trabaho siya pero medyo light ang schedule niya kapag Tuesday kaya sa araw na ‘to siya nakapagre-relax.

Sa Alice Bungisngis, natutuwa siya sa programa dahil parang dramedy ito. Hindi lahat ay drama, may kasamang katatawanan at pambata rin ito dahil punung-puno ng magic. Kasama niya sa show ang dalawa niyang leading men na sina Jake Vargas at Derrick Monasterio.

000

LIMANG taon na hindi lumabas ng bansa at hindi nagbibili ng mamahaling gamit si Bianca King para makabili ng sariling bahay. Living alone lang si Bianca sa Pinas kasi ang parents niya at family ay nag-migrate na sa Toronto, Canada.

Hindi rin siya gumagastos sa pag-aaral niya noon ng kursong Filmmaking dahil scholar siya ng Collge of St. Benilde. Miscellaneous fees lang ang ginagastos niya per semester na napakababang halaga.

Ang pinagtutuunang pansin naman ngayon ni Bianca ay makapag-aral sa Los Angeles, California ng kursong Cinematography. Pinaghahandaan niya ngayon ang pagpunta sa America.

Pero hindi ito sa ngayon. Busy siya sa kanyang pagiging artista dahil may kontrata siya sa GMA7 na dapat tuparin. Saka, sikat siya ngayon bilang dramatic actress. Bakit nga niya iiwan basta-basta ito? Lead star na ngayon siya ng GMA. Bida siya sa Broken Vow at leading men niya sina Luis Allandy at Gabby Eigenmann.

000

WALANG kupas talaga ang tambalang Michael V at Ogie Alcasid sa Bubble Gang. Lalo pang pinarami ang kanilang exposure sa show dahil nakapagde-deliver naman silang dalawa ng tamang pagpapatawa. Silang dalawa naman talaga ang bida ng No.1 at longest running gag show sa bansa, ang Bubble Gang.

Palaging inaabangan ang mga portion ng gags na tampok ang Silip sa Clinic, andoon pa rin ang paboritong Cheche Bureche, Boy Pick Up, Coach Calmado, ang Dating Doon at ang Spoof ng commercial.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply