Beautician kinatay ng adik na lover

BINURDAHAN ng saksak hanggang sa mamatay ang isang gay beautician ng kanyang lover na bangag sa droga sa Pangasinan kaninang umaga.

Wala ng buhay nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Alex Medina, tubong Cabanatuan Nueva Ecija na nagtamo ng 14 na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang isang hindi nakikilalang lalaki na ayon sa mga kapitbahay ay madalas nilang nakikitang pumapasyal sa pinapasukang beauty palor ng biktima.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, maaaring naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw pero nadiskubre lamang ang krimen dakong alas-9:30 na ng umaga sa isang beauty parlor sa Urdaneta, Pangasinan.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, bago ang pagkakadiskubre sa krimen ay nagtataka sila kung bakit tanghali na ay sarado pa rin ang beauty parlor na pinapasukan ng biktima.

Nangamba, ilan sa mga kapitbahay ang sumilip sa naturang beauty parlor at nakita nilang nakahandusay sa sahig ang biktima na tila wala ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply