Bebot 10 taong sex slave ng pulis

ISANG kagawad ng Philippine National Police ang ipinagharap ng reklamong panghahalay makaraang gawing sex slave ang anak ng kanyang kinakasama sa loob ng mahigit sampung taon sa lungsod ng Bacolod ulat ng puliysa ngayon.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, ginawang sex slave ng suspek na si SPO2 Salvador Guanco na nakatalaga sa Hinigaran Public Safety Company ang kanyang stepdaughter.

Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Amor, nagsimula umano siyang halayin ng kanyang amain ng siya ay anim na taong gulang pa lamang at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Sa sumbong ng dalagita sa Hinigaran Municipal police station mistula umano siyang sex toy ng amain at dahil sa pananakot ng suspek ay hindi niya nagawang makapagsumbong sa kanyang ina

Nakatakdang isailalim sa medical examination ang biktima upang maisampa na ang kaso laban sa naturang pulis.

Samantala, dinakip naman ng mga awtoridad ang isang binata na kabilang sa Top 10 most wanted persons sa San Juan, La Union na nagtago sa batas sa loob ng apat na taon kaugnay sa kasong rape.

Ang suspek na nagngangalang Rey Bertido, 24-anyos, binata, residente ng San Felipe, San Juan, La Union ay inaresto ng mga awtoridad sa Alaminos City, Pangasinan bandang alas-10:20 kagabi (Pebrero 29).

Base sa report, isang apat na taong gulang na bata ang inabuso ng suspek noong 2008, ngunit mariing pinabulaanan ito ni Bertido.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply