Bebot na pinagmalupitan ng ka-live-in nagpasaklolo sa CHR

HUMINGI ng saklolo sa Commission on Human Rights (CHR) ang 28-anyos na babaeng umanoy siyam na buwang ikinulong at pinagmalupitan ng kanyang Chinese national na live-in partner sa Makati City.

Ayon kay CHR Chair Etta Rosales, ang biktimang itinago sa pangalang Kyla ay naunang dumulog sa isang himpilan ng pulisya sa Makati dahil nakararanas siya ngayon ng matinding trauma dahil sa araw-araw na pang-uumbag sa kanya ng kinakasamang si Scott Co, 21, na umano’y galing sa isang maimpluwensyang angkan.

Noong araw ng Sabado (Marso 10) ng makatakas ang biktima bago ito nakapagreklamo sa CHR.

Itinuturing ng CHR na isa lamang sa libu-libong kababaihang pinagmamalupitan si Kyla na naglakas-loob na lumutang ngayong ipinagdiriwang ang National Women’s Month.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply