Bebot na tulak timbog sa buy-bust sa Maynila

“KUKUHA ka ba ? Meron ako dito taryang tres lang.” Ito ang deklara ng isang hinihinalang tulak, matapos ilatag ang isang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Tondo, Maynila, iniulat ng pulisya.

Kalaboso at nahaharap sa kasong Violation of section 5 at section 11 at walang inilaang pansamantalang paglaya ng suspek na nakilalang si Marilyn Bautista Y Balatbat, aka Aireen, 36-anyos, dalaga, tambay ng 1310 Juan Luna St., Tondo.

Ayon sa ulat ni Sr. Insp. Roberto Mupaz, team leader ng District Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group, na isinumite kay Chief Insp. Robert Domingo, dakong 4:30 ng hapon nang isagawa ang nasabing buy-bust operation sa sa panulukan ng Moriones at Sta. Maria St., sa Tondo.

Nabatid sa naturang operasyon ng pulisya, isang SPO1 Delos Reyes ang nagsilbing poseur buyer, habang nakasampay ang tuwalya sa balikat nito na hudyat na ang pagdamba sa nasabing tulak.

Hindi pa man nakakalapit gaano si Delos Reyes, nang kausapin ito ni Bautista at sabihang ‘Kukuha ka ba? Meron ako dito taryang tres lang“ kaya nang iaabot na ang marked money na 300.00 ay sumenyas na si Delos Reyes sa pamamagitan ng tuwalyang puti, at dito na nagsidatingan ang mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply