Bebot na walang trabaho nagbaril sa sarili

KAWALAN ng trabaho at paglala ng sakit na ulcer ang sinasabing nagtulak sa isang dalaga na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido sa Ilokos Norte, kaninang madaling araw.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktimang si Rochelle Ramos, 25-anyos residente ng Barangay 7, ng mga doktor sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa kanang sentido.

Ayon kay Chief Insp. Rodrigo Galino, chief of police ng Vintar, Ilocos Norte, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa loob mismo ng kuwarto ng biktima.

Bago ito, matamlay at mapag-isa ang biktima dahil sa kabila nang paghahanap nito ng trabaho ay lagi itong bigo. Pinoproblema rin ng dalaga ang sakit na ulcer.

Kaninang madaling araw, bigla na lamang umaalingawngaw ang putok ng baril at nang puntahan ng ina ang kuwarto ng anak ay nakita ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Nakarekober ang pulisya ng isang basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply