Bebot natagpuang patay sa hotel sa Cubao

NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae sa loob mismo ng kuwarto ng isang hotel sa Cubao, Quezon City, kaninang umaga, Marso 30.

Ayon sa report ng dzBB, natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakilalang biktima sa third floor ng hotel kung saan nakitaan ito ng dugo sa kanyang ilong at bibig.

Nabatid na pumasok sa hotel ang biktima kasama ang hindi nakilalang lalaki bandang alas-8:00 kagabi ngunit nag- checkout ang huli alas- 2:00 ng madaling araw.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang posibilidad na may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply