Bebot pina-gang rape ng sariling boyfriend

LURAY ang 19-anyos na dalaga makaraang gahasain ng limang lalaki kabilang na ng sariling dyowa sa Brgy. 4, Tigbuan, Iloilo.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima na itinago sa pangalang Violy sa bahay ng kanyang kaibigan sa Brgy. Bagumbayan para makitulog sana pero sarado na ang bahay ng kaibigan kaya hindi siya nakapasok.

Dahil dito, nagpunta na lang sa public plaza para makipagkita sa kanyang kasintahan at mga barkada nito ang dalaga.

Nang magkayayaang mag-inuman ay nagpunta sila sa bahay ng tiyuhin ng isa sa mga suspek pero nang malasing ang biktima ay doon na siya pinilahan ng mga salarin.

Kinaumagahan na nakahingi ng tulong ang dalaga sa mga pulis matapos makabawi ng lakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply