Beermen dumikit sa PHL Patriots

DUMIKIT ang San Miguel Beermen sa nangungunang AirAsia Patriots sa Asean Basketball League nang languhin ang Singapore Slingers sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kagabi (Marso 14).

Ang dalawang import ni coach Bobby Parks Sr. na sina Darlon Lamarr Johnson at Jerrid Famous ay kumana ng 19 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.

Nasungkit ng Beermen ang pang-siyam na panalo kontra sa tatlong talo habang ang kababayan AirAsia Patriots na kasalukuyang nakikipaglaban sa Saigon Heat sa Vietnam habang isinusulat ang balitang ito ay nasa tuktok ng liga sa tangang 8-2 win-loss slate.

Sa kabila ng hindi paglalaro nina Beermen Aries Dimaunahan at Junjun Cabatu na kasalukuyang pinagsisilbihan ang one game suspension, nakatulong naman sina RJ Rizala (11) at Froilan Baguion (4), at game high na 10 assists at 6 steals.

Sa panig ng Singapore Slingers, sina Louis Graham na kumana ng 25 puntos at ang dating import ng Patriots na si Donald Little na pumutok ng 18 ang nagdala ng laro subalit kinapos ang Slingers para malaglag sa kanilang ika-walong talo habang tangan ang apat na panalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply