Beteranong aktor na si Luis Gonzales pumanaw na

PUMANAW na ang beteranong aktor na si Luis Gonzales dahil sa sakit na pneumonina sa Makati Medical Center, kagabi (March 15).

Ayon kay actress na si Luz Valdez, si Gonzales ay labas-masok na sa pagamutan.

Nitong Huwebes, lumubha ang kalagayan ng beteranong aktor at kinailangan na ipinasok sa intensive care unit (ICU).

Batay sa ulat, ang labi ng aktor ay dadalhin sa Loyola Chapel.

Itinakda rin ang cremation sa labi ni Luis Gonazales anumang oras ngayong araw sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park sa Makati City.

Nakilala si Gonzales sa larangan ng pelikulang tagalog at nakapareha niya ang beteranang aktres na si Gloria Romero.

Matatandaan na sina Valdez at Gonzales ay nagkasama sa hanapbuhay noong dekada ’60 at nagkasama sa “Sa Kabukiran” na na-ere sa ABS-CBN 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply