BI todo higpit na sa pagbabantay sa NAIA

NAGSIMULA nang maghigpit ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pasaherong dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa mga bansa sa Africa dahil umaabot na sa 24.2 kilo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P121-milyon ang nakukumpiska ng awtoridad na dala ng mga taong galing sa nasabing kontinente.

Ayon kay Atty. Ma. Antonette Mangrobang, acting BI intelligence chief, lahat ng pasaherong pumapasok sa Pilipinas na nagmula sa mga bansa sa Africa mapa-babae o lalaki ay kikilatising maigi kung lehitimong turista.

“Pinapaigting namin ang pag-assess ng arriving passengers galing sa mga bansang yan,” anang Mangrobang, dagdag pa nito, mahigpit din nilang binabantayan ngayon ang mga airline mula sa Gitnang Silangan.

Sa loob lamang ng halos tatlong linggo, limang katao na ang naaresto sa NAIA.

Una ay ang Kenyan national na si Achieng Lina Noah, nahulihan ng walong kilo ng shabu. Nasundan ng Ugandan na si Josephine Balikuddembe, na nagdala ng 4.5 kilo ng shabu; ang buntis na Guinean na si Aisha Camara, 2.7 kilo, at ang dalawang Ghanaian nationals na sina Joseph Yaw Kyeremateng at Hamshawu Sulemana, 9 kilo.

Si Noah ay naaresto noong Pebrero 24 lulan ng Emirates Air flight EK-332; Emirates Air flight EK-334, dumating si Balikuddembe noong Marso 10; si Camara ay dumating noong Marso 11 habang ang dalawang Ghanaian ay dumating sa  NAIA lulan ng Etihad Airways flight EY-424 noong Marso 13.

Ang dalawang Ghanaian ay nagkunwang bagong mag-asawa at ang kanilang alibi sa pagpasok sa bansa ay magha-honeymoon lamang.

Subalit dahil expired na pala ang pasaporte ng babaeng si Hamshawu kaya napilitan ang BI na pabalikin siya sa kanyang port of origin.

Ang asawang si Joseph ay pinapili ng immigration kung papasok sa bansa o sasama sa kanyang asawa.

Nang piliin nitong paalisin na lamang si Hamshawu, nagduda ang immigration intelligence kay Joseph kaya ipinasuri sa Bureau of Customs (BOC) ang kanilang mga bagahe at nadiskubreng naglalaman ng iligal na droga.

Sa bandang huli, napag-alaman ng immigration na hindi pala mag-asawa ang dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply