Bianca King celebrates her b-day sa Party Pilipinas tommorow (dumating kaya si Dennis Trillo?)

INAABANGAN bukas (Sunday) sa Party Pilipinas kung darating si Dennis Trillo para batiin ang babaeng pinaka-close sa kanya ngayon, si Bianca King. Birthday ni Bianca bukas at may special bday party ang Party P para sa kanilang star.

Pahulaan pa kasi ang pagdating ni Dennis na busy ngayon sa Biritera. Almost four times a week kasi ang taping nito kapag nag-a-advance sila ng tapings. Pero usually ay M-W-F lang ang schedule ng tapings. Di lang sa Metro Manila ang site ng tapings nito kundi meron din sa Baguio, Laguna at iba pang province.

Aminado naman si Dennis sa mga interview sa kanya na si Bianca ang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon. Lumalabas silang dalawa kapag may panahon. Ang nagustuhan niya kay Bianca ay ang pagiging edukada nito at tahimik sa buhay kahit siya’y taga-showbiz na punung-puno ng intriga.

Tapos sa Miyerkules kaya ay samahan ni Dennis si Bianca sa pagbibigay ng party sa mga batang may sakit na nasa pangangalaga ng DSWD?

Walang big party ang star ng Broken Vow sa kanyang natal day bagkus ilalaan niya ang oras at panahon sa charity work niya sa mga batang may sakit at kapuspalad.

000

DAPAT abangan ng taga-Baguio ang pagpunta ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Pines City sa April kung saan dito ginagawa ng sikat na pugilist ang unang leg ng kanyang training para sa fight niya sa June sa Las Vegas.

Suwerte ang mga taga-Baguio at mga karatig lugar na fans ni Manny na manonood sa kanyang live show dahil hindi lang isang araw ang show kung hindi magkakaroon pa ng advance taping ang pound for pound King para sa kanyang show na Manny Many Prizes game show.

Masipag si Cong. Manny sa pag-a-advance taping dahil sa kanyang laban ay mawawala siya ng almost two months sa bansa. Gusto niyang every Saturday night ay mapapanood ang iba’t ibang episode ng kanyang show. Gusto niyang maraming matulungan sa programa, lalo ngayong gabi ay mapapaiyak si Manny sa tampok na pamilya na bibiyayaan niya ng tulong.

Makakasama naman ni Ninong bilang co-host ang star ng GMA afternoon prime na Broken Vow na si Ms. Bianca King na sasabayan pa ng kakulitan ni Teacher Jillian Ward. Mas pinasayang Easy Manny Eliminations ito dahil mga paborito nating komedyante ang maglalaro para sa maswerteng mabubunot na studio audience.

000

MULING mapanonood ang Frozen Planet episode ng Kap’s Amazing Stories na hosted by Sen. Bong Revilla bukas. Ngayon naman ay mapanonood ang magagandang scenic spots ng North and South Polls.

Bukod sa pagtalakay ng kagandahan ng lugar kahit punung-puno ng yelo, tatalakayin din ang hirap sa pagkuha ng mga footage ng mga TV crew na gumagawa ng documentation sa lugar na bihirang puntahan ng tao dahil ang lamig ay 40 degrees.

Kakaibang tanawin pero nakalulungkot tingnan dahil sa unti-unting nalulusaw na mga yelo dahil sa climate change.

Mapanonood ang Kap’s Amazing Stories pagkatapos ng “Pepito Manaloto” sa GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply