‘Big 3s’ ng Heat naghasik laban sa Raptors

NAGHASIK sa opensa ang “Big 3s” ng Miami Heat kaya naman kinabig nila ang 113-101 panalo laban sa Toronto Raptors kaninang umaga sa pagpapatuloy ng 2011-12 National Basketball Association (NBA) regular season.

Umiskor sina Dwyane Wade at Chris Bosh ng tig-30 puntos habang 26 ang sinalpak ni LeBron James para itarak ang 37-13 win-loss card ng Miami at manatiling nasa second spot ng Eastern Conference.

“We came out with a lot of energy and effort,” sabi ni James na may tinala ring siyam na assists at apat na rebounds. “Toronto made a lot of shots, they kept getting closer but we just tried to continue to wear on them, worked on our habits and we were able to close the game out in the fourth.”

May matinding trahedyang nangyari sa pamilya ni Wade subalit hindi ito nakasira sa kanyang laro bagkus ay ginawa niya itong inspirasyon.

Kasama ang malapit nitong pamangkin sa 13 nabaril sa isang convenience store sa Chicago.

“My prayers go out to all the families involved,” saad ni Wade na tumikada ng 13 puntos sa final canto at tumapos naman ng tig-anim na assists at rebounds at tatlong steals. “It’s tough. When it’s someone in your family, it really hits you hard.”

Katuwang ni Wade si Bosh na gumawa sa fourth quarter kung saan ay nakatikim ng pag-boo ang huli sa mga fans sa dati nitong koponan (Toronto).

“There’s a lot of memories, a lot of great memories here,” ani Bosh na bumira ng 12 pts. sa fourth period. “Anytime I come here I don’t want to disappoint myself and have a bad game.”

Si DeMar DeRozan ang umarangkada sa opensa ng Raptors na may 28 markers habang 27 points ang inambag ni Andrea Bargnani.

“It’s hard to contain (Miami’s) offense,” pahayag ni DeRozan. “They move the ball well and they know what they’re looking for. When you have three All Stars on your team it makes it tough to cover all of them.”

Samantala, bumangon agad ang defending champion Dallas Mavericks matapos silang makaldag ng Heat sa huli nilang laro kamakalawa.

Tumayo ang Mavs laban sa Orlando Magic 100-98 matapos ang 15-foot jumper na pabandang tira ni star player Dirk Nowitzki.

Sa ibang kaganapan sa NBA, sinuwag ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons, 83-71 habang nakalipad ang Atlanta Hawks sa New York Knicks, 100-90.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply