Big Help Award igagawad kay Taylor Swift ng Kids’ Choice Award

BONGGA ang maganda na’t mahusay na country/pop singer na si Taylor Swift. Si Swift ang napiling parangalan ng Nickelodeon’s 25th Annual Nickelodeon’s Kids’ Choice Awards ng kanilang Big Help Award.

Mismong si First Lady Michelle Obama magpe-present ng nasabing pagkilala kay Taylor Swift.

Hayag naman sa buong mundo na aktibo sa charitable works si Taylor nitong nakalipas na taon. Sa katunayan, ilan sa mga sinusuportahan ni Swift ay ang Make-A-Wish Foundation, St. Jude Medical Center, Habitat for Humanity, The Red Cross at The Salvation Army.

Sa kanyang “Speak Now” concert tour noong 2011, nangalap ng pondo ang singer para sa biktima ng tornado sa South America.

Samantala, unang nakapag-uwi ng Big Help Award si Leonardo DiCaprio noong 2009. Nasungkit naman ito ni Michelle Obama noong 2010 at sinundan ni Justin Timberlake noong 2011.

Source: Aceshowbiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply