Biglaang pag-aasawa

MAY problema po ako, may girlfriend po ako dati, mahal na mahal ko po siya. Nagpaalam siya na pupunta ng Manila. Pinayagan ko siya dahil magwo-work daw po siya. Pero nang bumalik po siya ng Bicol, buntis na po siya. Nakabuntis po sa kanya may asawa din, iniwan siya. Sa galit ko, nag-asawa po ako kaagad kahit wala pa po akong balak mag-asawa non.

Pero kahit po may asawa na ako at anak, yung gf ko pa rin ang mahal ko. Hindi ko po siya kayang kalimutan. Ano ba dapat kong gawin? Payuhan mo po ako, palagi po ako bumibili ng diyaryo niyo. Salamat po.

Nhel ng Ligao City

KAREñosa: Eh kung hindi ka ba naman engot! Kahit kailan hindi matatama ang pagkakamali ng isa pang pagkaka-mali. Sino ngayon ang nahihirapan? IKAW! Kasi sa sobrang galit mo, imbes na ipakita mo sa gf mo noon na suportahan mo siya sa oras ng kabiguan niya, ipinakita mo pa sa kanya na kaya mo ring gawin yung ganon. Eh mahal mo yung tao, yun ba ibig sabihin ng pagmamahal mo sa kanya? Nandamay ka pa ng isang babaeng pinakasalan mo lang para ipakita sa gf mo na kaya mo. Kawawa naman yung babaing pinakasalan mo ngayon, tingnan mo, mahal mo pa ang ex mo. Kung hindi lang galit ang inisip mo nun, at naging malawak ang pang-unawa mo, hindi ka namromroblema ngayon. Ang dapat mong gawin, huwag mo ng isipin ang gf mo at mag focus ka sa asawa mo. Pinakasalan mo siya, inanakan mo pa, ibig sabihin mahal mo din siya. Kaya wag kang maguluhan dahil baka guilty lang yang nararamdaman mo sa ex gf mo!

***

Hi po Im Jane. matagal na kami ng bf ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapakilala sa family niya. Either may tinatago siya sakin or kinakahiya niya ako, mahal naman niya ako. Hindi ko lang talaga alam ang dahilan niya bakit ayaw niyang ipa-meet sakin ang mga magulang niya.

KAREñosa: Jane, Natural lang ang mga iniisip mo na mga “baka dahilan” kung bakit ka niya ayaw pang ipakilala sa parents niya, pero huwag kang negative, tulad ng sabi mo mahal ka naman ng bf mo, hintayin mo na lang yung right time na handa na siyang ipakilala ka. Kung tatanungin mo siya, mas maganda, pero in a way na hindi niya iisiping tinuturuan mo siya. Ayaw ng mga lalaki na pinapangunahan sila. Pero maganda ding malaman mo ang background niya, pwede ring gumawa ka ng way na ikaw mismo makaaalam kung meron ngang “tinatago” sayo ang bf mo. Pero huwag kang pahalata. siguro naman kahit papaano e may kakilala kang relatives niya.

oOo

Para sa problemang pag-ibig, i-text ang BT_Name_Problemang Pagibig at isend sa 09183386058

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply