Bilang ng suicide cases sa Japan tumaas

NABABAHALA ang Japanese government dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay sa kanilang bansa matapos makaranas ng malakas na lindol noong Marso 11, 2011.

Ayon sa isang survey na isinagawa ng cabinet office at National Police Agency Japan, mahigit 20% ang itinaas sa mga kaso ng suicide ngayong taon.

Kadalasan umanong sanhi ng pagpapakamatay ng mga Japanese ay melankolya at pag-aalala dahil sa nangyaring lindol.

Matatandaang eksaktong isang taon na ngayong araw na ito, Marso 11, nang maganap ang malakas na paglindol na sinundan ng dambuhalang tsunami sa Japan na ikinamatay ng libu-libo katao at ikinawasak ng mga gusali.

Sa tala, mahigit 30,000 ang nag-suicide noong nakaraang taon.

Ito na ang ika-14 na pagkakataong nahigitan ang 30,000 figure na nai-record ng Japanese government.

Samantala, dito sa Pilipinas, ikinagagalak ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi gaanong marami ang nagpapakamatay.

Ayon sa CBCP, malaki ang naitutulong ng pagkarelihiyoso dito ng mga Filipino.

Anila, sa kabila ng hirap ay nananatiling nakangiti at umaasa ang mga Filipino dahil naniniwala silang hindi sila pababayaan ng Diyos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply