Binata utas sa boga sa Malabon

BINARIL at napatay ng mga hindi nakilalang kalalakihan ang isang binata sa Malabon City kaninang madaling araw..

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa likuran ulo si Marvin Rentazida, 25 ng Flovi Homes 4, Tonsuya ng lungsod.

Patuloy namang nakalalaya ang suspek na nakilala lang sa alyas Asiong at dalawa pang kasamahan nito.

Nabatid na dakong alas-12:15 ng madaling araw habang naglalakad ang biktima sa Flovi Homes 3 nang lapitan ni Asiong at dalhin sa madilim na bahagi bago binaril ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek habang inaalam na ng mga pulis ang motibo ng pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply