Binatilyo pisak sa cargo truck

PATAY ang isang 16-anyos na lalaki nang masagasaan ng rumaragasang cargo truck sa Tondo, Maynila, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Jayvee Baltazar, isang out-of-school youth at taga-Purok 2 Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Arestado naman ang drayber ng trak na si Rodolfo Garcia, 33, binata at residente ng San Pablo Bata Aliaga, Nueva Ecija.

Batay sa report ni SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 5:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa Spurlina Road, Area F, Parola compound, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima na naglalaro ang kanyang mga kaibigang sina Rodman Caldo, 14 at JM Masiglat, 12, nang sa pagtakbo ng una ay nahagip ng rumaragasang cargo truck na minamaneho ni Garcia.

Dinala ang katawan ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply