Binatilyo sinunog ng kapitbahay sa Quezon

NASAWI ang isang binatilyo matapos kaladkarin at sunugin umano ng kanyang kapitbahay sa Sariaya, Quezon.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na si “Rusty”, 12, ng kanyang kapatid.

Batay sa pagsusuri ng mga awtoridad, mayroong sugat sa likod ang biktima, na siyang palatandaan na kinaladkad muna ito bago sinunog.

Samantala, inaresto naman ng mga pulis ang suspek na si Jayson Bosita, 22, matapos aminin ang krimen.

Hinala ng mga awtoridad na lasing ang suspek nang ginawa ang krimen at ayon kay Bosita, nakulitan siya umano sa biktima kaya niya iyon nagawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply