Binatilyo tigbak sa resbak

SINASABING niresbakan ang isang 17-anyos na binatilyo nang dati nitong kaalitan matapos siyang pagsasaksakin sa may harapan ng De La Salle University sa may Taft Avenue, Maynila, kaninang madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si John Paul Nala, out of school youth at residente ng 4716 Arellano St., Palanan, Makati City na nagtamo ng saksak sa dibdib at kamay.

Naaresto naman ang isa sa dalawang suspek na nakilalang si Leonel Colo, 25, pedicab driver at residente ng 1153 San Antonio, Singalong, Malate, ng lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na si Jasyon, 16-anyos at taga Arellano Avenue, Malate, ng lungsod.

Ayon kay SPO1 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nakasakay umano ng bike ang biktima, kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Dave, 14 at Rolly, 12 at papauwi na sa kanilang bahay nang dumating ang mga suspek, sakay ng isang side car.

Pagbaba kaagad na inundayan ng saksak ng mga suspek ang biktima na nagawa pang makatakbo pero humandusay na rin sa kalsada at namatay.

Sa isinagawang follow up operation ng MPD-Station 9, agad na naaresto si Colo habang nagsa-sidecar matapos itong ituro ng kasama ng biktima.

Nabatid na dating alitan ang motibo ng pagpaslang ng suspek sa biktima.

Sa presinto, mariing itinanggi ni Colon na kasama niya ang suspek at sangkot siya sa krimen, nagkataon lamang nang sumakay ang suspek sa kanyang sidecar at ng makita ang biktima ay kaagad na sinaksak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply