Binatilyo todas sa riding in tandem

NAMATAY ang isang 16-anyos na binatilyo matapos itong barilin ng riding in tandem sa tapat ng KTV bar sa San Andres Bukid, Maynila kagabi (Marso 26).

Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Christian Hormina sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nasa tapat ng isang Eurotica Bar sa kanto ng Dagonoy at Onyx street sa nasabing lugar ang biktima habang nakikipagkwentuhan sa hindi pinangalanang waiter at GRO ng bar nang lumapit ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Agad na pinaputukan ang biktima ng tatlong beses na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Patuloy naman ang imbestiagsyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply