Binawing 5 articles of impeachment ‘di na dedesisyunan

HINDI na dedesisyunan ng impeachment court ang limang articles of impeachment na binawi ng prosekusyon sa kasagsagan ng paglilitis kay CJ Renato Corona.

Ito ang paglilinaw ni Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa itinuring ng korte na hindi naihain ang article 1, 4, 5, 6, 8 matapos bawiin ng prosekusyon.

Kasunod ito ng hiling ng depensa na dapat magpasya ng hukuman na abswelto si Corona sa limang articles of impeachment.

Dahil dito, sa natitirang article of impeachment 2, 3 at 7 na lamang ang pagbabatayan ng hukuman sa ibababa nitong hatol sa kaso ng punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply