BIR kay Pacquiao, ‘wag iligaw ang usapin

WALANG kinalaman ang pagiging malapit ni WBO welterweight champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao kay dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa pagsasampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kaso sa kanya.

Ayon kay Koronadal BIR Regional District Office No. 18 director Atty. Rozil Lozares, dapat na harapin na lang ng Pinoy boxing champion ang kanyang kaso kaysa iligaw pa ang isyu sa pamamamarali na pinag-iinitan siya ng administrasyong Aquino.

Ani naman BIR Commissioner Kim Henares, ang biglaang pagbaba ng binabayarang buwis ni Pacman ang dahilan ng pag-iimbestiga sa kanya.

Taong 2008 ay si Pacquiao ang top taxpayer sa Pilipinas pero nitong nakalipas na dalawang taon ay bumaba ang kanyang binabayarang buwis.

Pagtatapos pa ng opisyal na kung makapagpapakita lang ng kaukulang dokumento ang kampo ni Pacman na lilinaw sa kanyang kinakaharap na kaso ay wala namang problema at tapos na agad ang kanyang kaso.

Kanina ay personal na nanawagan si Pacquiao kay Pangulong Aquino para hilinging sibakin sa pwesto ang regional director ng BIR sa GenSan dahil sa pagsasampa ng kaso sa kanya.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply