Bonggang-bongga si Angel Locsin!

TALAGANG masasabing maganda ang pasok ng unang quarter ng 2012 sa magandang aktres na si Angel Locsin.

Tuluy-tuloy ang pasok ng blessings sa kanya kaya naman pak! Bonggang-bongga siya!

Una, nag-click at tumabo sa unang dalawang linggo ang kanyang movie with John Lloyd Cruz na “UnOfficially Yours” ng mahigit P100 milyon.

Ikalawa, noong nakaraang linggo, naiuwi niya ang Best Actress trophy para sa pelikula with Aga Muhlach na “In The Name of Love” sa katatapos na PMPC Star Awards for movies.

Ikatlo, hindi mapapahinga ang magandang aktres dahil may nilulutong pelikula ang ABS-CBN para sa magandang si Angel kung saan makakasama niya ang mahuhusay at magaganda ring aktres ng Kapamilya Network na sina Toni Gonzaga, Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

At heto pa, ang UnOfficially Yours nila ni Lloydie ay nasa ika-4-week box office na at kumita na ng P157.25 million.

Sumunod (o second place) ang UY sa Hollywood film na “John Carter” na siyang naghahari sa box-office race noong nakaraang weekend.

Nangunguna naman ang UY sa local box-office sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo.

Ang bagong box-office leader na John Carter ay nag-debut noong nakarang linggo na may P34.97 million gross for 5 days. Habang ang UY ay kumita ng P4.96 million noong nakaraang linggo.

Narito ang Philippine box office tally para sa opening period mula March 7 hanggang March 11, 2012 ayon sa Box Office Mojo:

1. John Carter (Weekend Gross-P34.97-M, Gross-to-date- P34.97-M, Week1)  — bago—

2. UnOfficially Yours (Weekend Gross-P4.96-M, Gross-to-date- P157.25-M  , Week- 4)

3. The Devil Inside (Weekend Gross-P4.6-M , Gross-to-date- P14.31-M  , Week- 2)

4. This Means War (Weekend Gross-P3.92-M , Gross-to-date-P30.23-M, Week-3)

5. Ghost Rider: Spirit of Vengeance (Weekend Gross- P3.73-M, Gross-to-date-P70-M, Week-4)

6. Moneyball (Weekend Gross-P2.12-M, Gross-to-date-P2.12-M, Week-1)  —bago—

7. The Vow (Weekend Gross- P57.7-M, Gross-to-date-P1.69-M, Week-5)

8. Jack and Jill (Weekend Gross-P0.68-M, Gross-to-date-P13.23-M, Week-3)

9. Extremely Loud and Incredibly Close (Weekend Gross-P0.57-M, Gross-to-date- P3.64-M, Week-2)

10. Journey 2: The Mysterious Island (Weekend Gross-P0.44-M, Gross-to-date-P66.78-M , Week-6)

***

Highest grossing films sa Pilipinas as of March 13, 2012 ay ang mga sumusunod:

1. UnOfficially Yours – P157.25-M
2. Underworld Awakening – P102.12-M
3. Ghost Rider: Spirit of Vengeance – P70-M ****
4. Journey 2 The Mysterious Island – P66.78-M
5. Sherlock Holmes: A Games of Shadows – P61.95-M
6. The Vow – P57.7-M
7. Alvin and the Chipmunks: Chipwrecked – P56.16-M
8. Safe House – P38.18-M
9. Chronicle – P35.48-M
10. John Carter – P34.97 ****

Minarkahan ng **** ang mga gumugulong pa sa sinehan.

Source: Starmometer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply