Boutique manager ginilitan ng call boy

GINILITAN ng leeg bago tinarakan ng patalim sa dibdib ang 25-anyos na boutique manager ng isang hinihinalang call boy matapos ang kanilang pag-aaway sa loob ng silid ng isang lodging inn sa Pasay City kahapon.

Bangkay na nang madatnan ng mga opisyal ng barangay ang biktimang nakilala sa pamamagitan ng nakuha sa kanyang ID card na si Emmanuel Tanchico, may provincial address na Puerto Princesa, Palawan sa loob ng Rm. 12 ng Galaxy Lodge na nasa 2245 Taft Avenue, naturang lungsod.

Batay sa pahayag ng roomboy na si Daniel Ponce, 41, nag-check in ang biktima, kasama ang hinihinalang call boy sa naturang lodging inn pasado alas-5 ng hapon.

Dakong alas-6:30 ng gabi nang marinig ni Ponce na may sumisigaw at mistulang humihingi ng tulong mula sa loob ng naturang silid kaya kinatok niya ang pintuan subalit hindi siya pinagbuksan.

Dahil dito’y humingi ng tulong si Ponce sa mga opisyal ng barangay at puwersahan nilang pinasok ang silid at dito na nila natagpuan ang duguan at nakatihaya ng bangkay ng biktima.

Wala na rin ang lalaking kasama nito sa loob ng silid na nagawang makatakas matapos isagawa ang krimen.

Hinala ng pulisya na hindi nagkasundo sa bayaran ang dalawa kaya nagkaroon ng pag-aaway na nauwi sa madugong wakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply